Thursday, February 28, 2013

Kwentong Kakaiba


Lumilipad

Ang kuwentong ito ay nangyari ilang taon na ang nakakalipas. Ito ay nangyari noong hindi pa ako nagsusuot ng salamin, at hindi pa sira ang mga mata ko.

Isang madilim na gabi, ako at ang mga kaibigan ko ay tumambay sa labas ng aming mga bahay. Kahit na ang gabi ay madilim, maliwanag pa rin ang buwan. Habang kami ay nakaupo sa isang tabi, bigla akong nakakita ng nilalang na lumipad. Hindi ito katulad ng normal na ibon kung lumipad. Ang pakpak nito ay katulad ng isang paniki. Ito ay may hugis na kagaya ng sa itaas na kalahati ng tao. Ngunit tila ito ay may buhok at putting ngipin. Ito ay tila ngumingiti habang ito ay nakatingin sa direksiyon ko at nang aking mga kaibigan. Wala saaking mga kaibigan ang nabahala nito. Sa tingin ko, ako lamang ang naka pansin nito dahil ang aking mga kaibigan ay hindi tumitingala sa langit. Hanggang sa araw na ito, naaalala ko pa rin ang gabing iyon.
Simula noon, minsan na lang ako tumitingala dahil baka maulit ang insidenteng iyon. Kahit na isang iglap ko lang ito nakita, sigurado akong hindi ako namalikmata.

No comments:

Post a Comment