Alamat
ng Camp Batalla
Noong unang panahon, may
komunidad sa tabi ng dagat na nagngangalang Nipako. Ang mga tao rito ang mga
mangingisda para sa buong Zamboanga. Natatakot sila sa kapangyarihan ng isang
wizard na nagngangalang Earlaia. Isang araw, habang pumipitas ng prutas ang mga
nakakatanda, ang mga batang babae ay naglalaro sa tabing ilog. Isa doon si
Leelihiya. Kahit bata pa lamang siya ay may angking kakaibang kagandahan at
kabutihan. Siya rin ay magaling tumugtog ng musika at paghahabi.
Isang araw, habang siya at
ang kaniyang mga kaibigan ay naglalaro, nakakita ng oportunidad ang wizard na
kidnapin si Leelihiya. Kitang-kita ng kaniyang mga kaibigan kung paano siya
kinuha ni Earlaia. Natakbuhan sila at pumuta sa Council of Elders ng kanilang
komunidad. Tinawagnila ang mangkukulam upang malaman nila kung nasaan si
Leelihiya sa puso ng dagat, kung saan nakatira ang wizard at kung saan wala
pang tao ang nakapunta roon. Upang maisalba si Leelihiya, tinawag nila si
Batalla.
Siya ay isang batang
nanggaling sa mga tala. Siya ang itinuturing na tagapagligtas ng sambayanan. Pumunta
siya sa puso ng dagat, hinarap si Earlaia at piƱatay siya sa isang
labanan.hinanap niya si Leelihiya at ibinalik siya sa Nipako. Upang pasalamatan
siya, pinalitan ng mga tao ang pangalan ng Nipako at ginawa itong Batalla. At mula
noon, naging Camp Batalla na ng tawag sa
lugar na iyon.
No comments:
Post a Comment