Thursday, February 28, 2013

Brochure- Loob at Labas



Komiks





Alamat ng Camp Batalla -Isang Alamat



Alamat ng Camp Batalla
Noong unang panahon, may komunidad sa tabi ng dagat na nagngangalang Nipako. Ang mga tao rito ang mga mangingisda para sa buong Zamboanga. Natatakot sila sa kapangyarihan ng isang wizard na nagngangalang Earlaia. Isang araw, habang pumipitas ng prutas ang mga nakakatanda, ang mga batang babae ay naglalaro sa tabing ilog. Isa doon si Leelihiya. Kahit bata pa lamang siya ay may angking kakaibang kagandahan at kabutihan. Siya rin ay magaling tumugtog ng musika at paghahabi.
Isang araw, habang siya at ang kaniyang mga kaibigan ay naglalaro, nakakita ng oportunidad ang wizard na kidnapin si Leelihiya. Kitang-kita ng kaniyang mga kaibigan kung paano siya kinuha ni Earlaia. Natakbuhan sila at pumuta sa Council of Elders ng kanilang komunidad. Tinawagnila ang mangkukulam upang malaman nila kung nasaan si Leelihiya sa puso ng dagat, kung saan nakatira ang wizard at kung saan wala pang tao ang nakapunta roon. Upang maisalba si Leelihiya, tinawag nila si Batalla.
Siya ay isang batang nanggaling sa mga tala. Siya ang itinuturing na tagapagligtas ng sambayanan. Pumunta siya sa puso ng dagat, hinarap si Earlaia at piñatay siya sa isang labanan.hinanap niya si Leelihiya at ibinalik siya sa Nipako. Upang pasalamatan siya, pinalitan ng mga tao ang pangalan ng Nipako at ginawa itong Batalla. At mula noon, naging  Camp Batalla na ng tawag sa lugar na iyon.

Ang Kalayaan -Isang Sanaysay


Ang Kalaayaan
          Ang kalayaan ay madalas inihahalintulad sa isang kalapati, maaring dahil puti ang kulay nito at ang puti ay sumisimbolo sa kalayaan. Ang kalayaan ay nakasalalay sa tao kung paano niya gagamitin ito.
          Bilang isang mag-aaral, may mga kalayaan ako na dapat kong maranasan. Isa na rito ay ang kalayaan  na intindihin ang lahat ng itinuturo sa akin ng aming mga guro. Bilang isang environmentalist, may kalayaan akong mag-tanim ng maraming puno, alagaan ang mga hayop na nanganganib ng maubos, iwasan ang paggamit ng plastics at marami pang iba.
          Maaaring ang ibang batang katulad ko ay may kaparehas na kalayaan ang iba naman ay abot-kamay na nila ang inaasam nilang kalayaan.
          Pero alam naman nating lahat na ang kalayaan ay nakamtan natin dahil sa mga bayaning ipinagtanggol an gating bansa laban sa mga dayuhang mananakop. Isandaan at labing-apat na taon na ang nakakalipas ng makamtan ng pilipinas ang kalayaan at noong mga panahon din iyon una nating naiwagayway ang ating bandila kaya naging simbolo din ng kalayaan an gating bandila.
          Maaaring iniisip natin na ang kalayaan ay medaling abutin pero hindi natinalam na ibinuwis ng mga bayani  ang kanilang buhay upang makamtan natin ang kalayaan ng bansa. Pero para sa akin ang tunay na konsepto ng kalayaan ay walang humahawak sa buhay mo.

Pagkawala ni Bunso -Isang Tula


Pagkawala ni Bunso

“Saan ka ba pupunta?” iyan ang palagi
Niyang naririnig sa akin.
Itinuturing ko siyan iba sa aking paningin,
Lagi kaming nag-aaway.

Segundo,minute at oras ang lumipas,
Hindi ko siya binabantayan.
Hanggang sumapit ang oras na hindi ko
Na siya nahanap sa paligid.
Hanggang sa nakumpirma kongnawala
Na siya sa aking paningin.

Saan ba siya maaaring pumunta?
Natapos ang buong arw hindi ko siya
Nahanap, natulog ako ng hindi siya ang kaharap.
Salamat sa diyos at nahanap siya kinabukasan.
Pangako hindi na kita pababayaan.

Kwentong Kakaiba


Des Oras ng Gabi
          Sa isang madilim na gabi, eksaktong alas dos ng medaling araw habang ang aking buong pamilya ay tulog na, ako ay nagising sa malalim kong pagtulog.
          Nalanghap at naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa gabing iyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Nararamdaman ko na tila may nagmamasid sa akin. Sabi nila kapag nagising ka ng alas dos hanggang alas tres ng medaling araw ay may kakaibang nilalang na nagmamasid on sumusulyap sa iyo.
          Ito na ba ang tinatawag nilang multo? Aswang? O maligno? Saan ba galing ng mga ito? Totoo ba ang mga paniniwalang ito na tila gumagambala sa ating pag-iisip?

Kakaibang Balita


Grupo ng mga tik-tik nambiktima ng buntis!
Hatinggabi ng Agosto 4, 2012 sa Brgy. Talon-talon, Zamboanga City. Sumalakay ang grupo ng tik-tik sa bahay ni Emily Cruz, walong buwang buntis na ginang.
Eksaktong alas dose ng hatinggabi, lahat ng tao sa brgy. Talon-Talon ay tulog na, sumalakay ang grupo ng tik-tik sa bahay ni Emily Cruz. Sa bubong ng bahay nagtipon ang mga tik-tik na ito binutasan nila ang bubong ng bahay. Nagsimulang humaba ang mga dila nila at nakuha ang bata sa sinapupunan ng ina nito. Nagising ang biktima at nabulabog ang kaniyang kaanak at mga kapitbahay.
Nakuha ang bata at ayon sa imbestigasyon, pamilya ng tik-tik ang sumalakay dsa biktima.


Konsepto ng Kalayaan -Isang Sanaysay


Konsepto ng Kalayaan
Simula noong 1986 matapos ang Martial Law, pag upo ng Pangulong  Cory Aquino ang lahat ng tao ay nagkaroon ng kalayaan tulad ng pahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pag martsa sa daan.Ang  kalayaan ng tao ay minsan inaabuso at nauuwi sa karahasan, mga krimen.
Kahit ang isang tao ay naakusahan ng isang krimen siya ay may kalayaan din na mamili ng kanyang abogado.
Ang bawat isa sa mundo bata man o matanda ay may kalayaan sa isa’t isa. May kalayaan ka kung ano man ang gusto mong gawin hanggat hindi labag sa batas.
Para sa akin, ang kalayaan ay isang bagay na mahirap makamit kapag hindi ka nagsikap para dito. Ito ay mahirap bigyan ng depinisyon. Ito ay isang bagay na malimit Makita ng mata. Marahil ito ay nadarama  ng ating mga puso at naiisip ng ating utak.
Iba-iba man ang ating pag-iisip tungkol sa kalayaan, lahat pa rin tayo ay nag-asam, nag-aasam, at patuloy na mag-aasam ng kalayaan.


Aking Pinsan -Isang tula


Aking Pinsan

Mayroon akong pinsan,
Na nabiktima ng kamatayan.
Dahil siya ay namatay,
Noong siya ay isang taong,
Gulang pa lamang.
O kay samang kapalaran,
Di ko siya nakitang,
Kahit maglaro lang man.
Ni hindi niya naranasan,
Ang pumasok sa Paaralan.
Paalam sa aking pinsan,
Sana’y maalala mo ako,
Hanggang sa dulo ng
Walang hanggan.

Kwentong Kakaiba


Lumilipad

Ang kuwentong ito ay nangyari ilang taon na ang nakakalipas. Ito ay nangyari noong hindi pa ako nagsusuot ng salamin, at hindi pa sira ang mga mata ko.

Isang madilim na gabi, ako at ang mga kaibigan ko ay tumambay sa labas ng aming mga bahay. Kahit na ang gabi ay madilim, maliwanag pa rin ang buwan. Habang kami ay nakaupo sa isang tabi, bigla akong nakakita ng nilalang na lumipad. Hindi ito katulad ng normal na ibon kung lumipad. Ang pakpak nito ay katulad ng isang paniki. Ito ay may hugis na kagaya ng sa itaas na kalahati ng tao. Ngunit tila ito ay may buhok at putting ngipin. Ito ay tila ngumingiti habang ito ay nakatingin sa direksiyon ko at nang aking mga kaibigan. Wala saaking mga kaibigan ang nabahala nito. Sa tingin ko, ako lamang ang naka pansin nito dahil ang aking mga kaibigan ay hindi tumitingala sa langit. Hanggang sa araw na ito, naaalala ko pa rin ang gabing iyon.
Simula noon, minsan na lang ako tumitingala dahil baka maulit ang insidenteng iyon. Kahit na isang iglap ko lang ito nakita, sigurado akong hindi ako namalikmata.

Kakaibang Balita


Bata, natagpuang patay! Ipis, lumalabas sa kanyang bibig.
Binarang?

Si Preyhumty Tugbana, siyam na taong gulang na bata, natagpuang patay sa likod ng kanilang bahay sa Kidapawan, noong August 11, 2012. Natagpuan  siya ng kanyang pinsan na si Earlaia na may ipis na lumalabas sa bibig. Pinghihinalaan ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak ay nabiktima ng isang mambabarang na nakaaway nila ito sa isang alitan sa lupa. Ilang araw bago ang insidente, may namatayan silang aninong umaaligid  sa paligid ng kanilang bahay. Isang taon na ang nakalipas at may isa pang bata na nabiktima sa parehong aksidente.

Dati Kong Paaralan -Isang Tula


Dati Kong Paaralan

Gusto kong bumalik
Sa dati kong Paaralan.
Kung saan sa loob ng pitong taon
Ako’y natutong lumaban.

Paggising ko sa umaga,
Mga klasmeyt agad ang iniisip.
Maghahanda na para sa araw,
At sa tatlong minutong paglalakbay.

Pagdating sa Paaralan,
Tatakbo papunta sa silid-aralan.
At hahanapinang mga kaibigan,
Hanggang sa tunog ng bell, mag chi-chikahan.

Pagkatapos ng leksyon sa ingles,
Maglalakad papunta sa kantina.
Mahaba man ang linya,
Maghihintay pa rin, makabili lang ng pagkain.

Mga Akda mula sa Una Hanggang sa Ikaapat na Markahan

Unang Markahan

Linggo 1-BATANG-BATA KA PA -Apo Hiking Society
           2-ANG SUNDALONG PATPAT -Rio Alma
           3-ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT -Bob Ong
           4-SANDAANG DAMIT -Fanny Garcia
           5-KUNG BAKIT UMUULAN
           6-ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT -Roberto Añonuevo
           7-SALAMIN -Assunta Cuyegkeng
           8-ANG PINTOR -Jerry Gracio
           9-IMPENG NEGRO -Rogelio R. Sikat
         10-ANG AMBAHAN NI AMBO -Ed Maranan

Ikalawang Markahan

Linggo 11-NEMO, ANG BATANG PAPEL -Rene O. Villanueva
           12-MABANGIS NA LUNGSOD -Efren R. Abueg
           13-ANG ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON
           14-KAY MARIANG MAKILING -Edgar Calabia Samar
           15-ANG MGA DUWENDE
           16-TRESE Isyu 5 -Budjette Tan
           17-ALAMAT NG WALING-WALING
           18- MGA ALAMAT NI JOSE RIZAL -Kabanata 3, El Filibusterismo ni Jose Rizal
           19-NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN -Lamberto E. Antonio
           20-PAGLISAN SA TSINA -Maningning Miclat

Ikatlong Markahan

Linggo 21-Pimple, Braces, The Gwapigs  -Pol Medina, Jr.
           22-Sipi mula sa librong Tutubi, Tutubi, "Wag Kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe"
           23-Taglish: Hanggang Saan? -Bienvenido Lumbera
           24-Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan -Conrado de Quiros
           25-Pandesal
           26-Pork Empanada -Tony Perez
           27-28-Ibong Adarna
           29-Magkabilaan -Joey Ayala
       
Ikaapat na Markahan

Linggo 30-Nang Maging Mendiola KoAng Internet Dahil kay Mama -Abegail Joy Yuson Lee
           31-Hari ng Tondo -Gloc-9
           32-Sipi mula sa “Ampalaya (Ang Pilipinas 50 TaonMakatapos ng Bagong Milenyo)” -Reuel Molina Aguila
           33-34-Nagsimula sa Panahon ng Yelo mula sa nobelang Ang Sandali ng mga Mata -Alvin Yapan
           35-Bagong Bayani -Joseph Salazar
           36-Bayan Ko: Laban O Bawi? -Jose F. Lacaba
           37-Pulangi: Ang Ilog na Humubog sa Maraming Henerasyon Sipi mula sa Regional Profiles: Peoples and Places (Adarna House, 2009)
           38-Obra -Kevin Bryan Marin
           39-Bertdey ni Guido