Grade 7 Filipino
Thursday, February 28, 2013
Alamat ng Camp Batalla -Isang Alamat
Alamat
ng Camp Batalla
Noong unang panahon, may
komunidad sa tabi ng dagat na nagngangalang Nipako. Ang mga tao rito ang mga
mangingisda para sa buong Zamboanga. Natatakot sila sa kapangyarihan ng isang
wizard na nagngangalang Earlaia. Isang araw, habang pumipitas ng prutas ang mga
nakakatanda, ang mga batang babae ay naglalaro sa tabing ilog. Isa doon si
Leelihiya. Kahit bata pa lamang siya ay may angking kakaibang kagandahan at
kabutihan. Siya rin ay magaling tumugtog ng musika at paghahabi.
Isang araw, habang siya at
ang kaniyang mga kaibigan ay naglalaro, nakakita ng oportunidad ang wizard na
kidnapin si Leelihiya. Kitang-kita ng kaniyang mga kaibigan kung paano siya
kinuha ni Earlaia. Natakbuhan sila at pumuta sa Council of Elders ng kanilang
komunidad. Tinawagnila ang mangkukulam upang malaman nila kung nasaan si
Leelihiya sa puso ng dagat, kung saan nakatira ang wizard at kung saan wala
pang tao ang nakapunta roon. Upang maisalba si Leelihiya, tinawag nila si
Batalla.
Siya ay isang batang
nanggaling sa mga tala. Siya ang itinuturing na tagapagligtas ng sambayanan. Pumunta
siya sa puso ng dagat, hinarap si Earlaia at piƱatay siya sa isang
labanan.hinanap niya si Leelihiya at ibinalik siya sa Nipako. Upang pasalamatan
siya, pinalitan ng mga tao ang pangalan ng Nipako at ginawa itong Batalla. At mula
noon, naging Camp Batalla na ng tawag sa
lugar na iyon.
Ang Kalayaan -Isang Sanaysay
Ang Kalaayaan
Ang kalayaan ay
madalas inihahalintulad sa isang kalapati, maaring dahil puti ang kulay nito at
ang puti ay sumisimbolo sa kalayaan. Ang kalayaan ay nakasalalay sa tao kung
paano niya gagamitin ito.
Bilang isang
mag-aaral, may mga kalayaan ako na dapat kong maranasan. Isa na rito ay ang
kalayaan na intindihin ang lahat ng
itinuturo sa akin ng aming mga guro. Bilang isang environmentalist, may
kalayaan akong mag-tanim ng maraming puno, alagaan ang mga hayop na nanganganib
ng maubos, iwasan ang paggamit ng plastics at marami pang iba.
Maaaring ang
ibang batang katulad ko ay may kaparehas na kalayaan ang iba naman ay
abot-kamay na nila ang inaasam nilang kalayaan.
Pero alam naman
nating lahat na ang kalayaan ay nakamtan natin dahil sa mga bayaning
ipinagtanggol an gating bansa laban sa mga dayuhang mananakop. Isandaan at
labing-apat na taon na ang nakakalipas ng makamtan ng pilipinas ang kalayaan at
noong mga panahon din iyon una nating naiwagayway ang ating bandila kaya naging
simbolo din ng kalayaan an gating bandila.
Maaaring iniisip
natin na ang kalayaan ay medaling abutin pero hindi natinalam na ibinuwis ng
mga bayani ang kanilang buhay upang
makamtan natin ang kalayaan ng bansa. Pero para sa akin ang tunay na konsepto
ng kalayaan ay walang humahawak sa buhay mo.
Pagkawala ni Bunso -Isang Tula
Pagkawala ni
Bunso
“Saan ka ba
pupunta?” iyan ang palagi
Niyang naririnig
sa akin.
Itinuturing ko
siyan iba sa aking paningin,
Lagi kaming
nag-aaway.
Segundo,minute
at oras ang lumipas,
Hindi ko siya
binabantayan.
Hanggang sumapit
ang oras na hindi ko
Na siya nahanap
sa paligid.
Hanggang sa
nakumpirma kongnawala
Na siya sa
aking paningin.
Saan ba siya
maaaring pumunta?
Natapos ang
buong arw hindi ko siya
Nahanap,
natulog ako ng hindi siya ang kaharap.
Salamat sa
diyos at nahanap siya kinabukasan.
Pangako hindi
na kita pababayaan.
Kwentong Kakaiba
Des Oras ng Gabi
Sa isang madilim na
gabi, eksaktong alas dos ng medaling araw habang ang aking buong pamilya ay
tulog na, ako ay nagising sa malalim kong pagtulog.
Nalanghap at
naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa gabing iyon. Hindi
ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Nararamdaman ko
na tila may nagmamasid sa akin. Sabi nila kapag nagising ka ng alas dos
hanggang alas tres ng medaling araw ay may kakaibang nilalang na nagmamasid on
sumusulyap sa iyo.
Ito na ba ang
tinatawag nilang multo? Aswang? O maligno? Saan ba galing ng mga ito? Totoo ba
ang mga paniniwalang ito na tila gumagambala sa ating pag-iisip?
Kakaibang Balita
Grupo
ng mga tik-tik nambiktima ng buntis!
Hatinggabi ng Agosto 4, 2012
sa Brgy. Talon-talon, Zamboanga City. Sumalakay ang grupo ng tik-tik sa bahay
ni Emily Cruz, walong buwang buntis na ginang.
Eksaktong alas dose ng
hatinggabi, lahat ng tao sa brgy. Talon-Talon ay tulog na, sumalakay ang grupo
ng tik-tik sa bahay ni Emily Cruz. Sa bubong ng bahay nagtipon ang mga tik-tik
na ito binutasan nila ang bubong ng bahay. Nagsimulang humaba ang mga dila nila
at nakuha ang bata sa sinapupunan ng ina nito. Nagising ang biktima at
nabulabog ang kaniyang kaanak at mga kapitbahay.
Nakuha ang bata at ayon sa
imbestigasyon, pamilya ng tik-tik ang sumalakay dsa biktima.
Subscribe to:
Posts (Atom)